News Back  |  See more photos

75 Reformists, Nagtapos Sa Bahay-Pagbabago




Nagtapos ang pitumput-pitong reformist sa Bahay Pagbabago Center sa Barangay Catalanacan noong nakaraang Agosto 6, 2019.

Dalawamput-dalawa ang nagtapos na nagmula sa Baranggay ng Rang-Ayan, labing-pito naman ang nagmula sa Sapang Cauayan, labing-lima ang mula sa Villa Cuizon, labing-lima ang nagmula sa Poblacion East habang pito naman ang nagtapos na nagmula sa Poblacion South.

Dahil rito, naging dalawamput-isa ang bilang ng idineklarang drug-free barangay. Nadagdag sa bilang nito ang Cabisuculan at Maragol.

Dumalo sa nasabing programa sina PSupt. Gerald T. Licyayo, Councilor Rodney S. Cabrera, Councilor Gerry Fulgencio, mga CLAIM pastors, Baranggay Officials, Department Heads, Ginoong Crismelito Catacutan-CLGOOVI at si Ginang Theresita Manson na siyang nagsilbing tagapagturo sa Bahay Pagbabago.