News Back  |  See more photos

BADAC Seminar sa Science City of Muñoz




Isang seminar ng mga Barangay Ingat Yaman at Kalihim ng 849 barangays ng Nueva Ecija ang nagtipon-tipon para sa isang pantas-aral o seminar tungkol sa Barangay Anti-Drug Abuse Council. Ang seminar ay naganap sa Science City of Muñoz Pag-asa Gymnasium nitong Setyembre 24, 2019. Pinangasiwaan ng Hues International Training and Consultancy Inc. at ng mga Sangguniang Kabataan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ni Kgg. Ay-Mand Kylle Miranda. Dumalo sa programa bilang panauhing tagapagsalita na si Ginoong Diosdado Baquiran, Vice President AADAC o Association of Anti-Drug Abuse Coalitions of the Philippines Inc.