News Back  |  See more photos

Bagong CR, Handog ng MNHS batch '69 at LGU




Naging matagumpay ang Turn Over at Blessing Ceremony ng bagong CR sa Muñoz National High School ngayong January 10, 2020.

Lubos na nagpapasalamat si Gng. Norma Pramo - SS Principal IV sa pagkakaloob nito at sa patuloy na pagsuporta sa pagpapaunlad ng Muñoz National High School.

Ang bagong pasilidad na ito ay bigay ng MNHS Batch '69 at Local Government Unit na karagdagang magagamit ng mga estudyante at angkop para sa komportableng palikuran sa eskwelahan.

Nagbigay ng mensahe sina Dr. Dante G. Parungao, CESO VI at Mr. Menard Fajardo na representante ni G. Jaime Palada - FSO President. Pinangunahan naman ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D ang programa.