News Back  |  See more photos

Bagong Gawang Kalsada sa Maragol, Binuksan na!




Maaari ng daanan ang bagong gawang kalsada sa Brgy. Maragol matapos itong buksan noong August 15, 2019.

Pinangunahan ni Pastor Julie Javillonar ang pagbabasbas at pagdarasal. Kasama sa mga dumalo sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, City Councilor Rodney S. Cabrera at ang kapitan ng Baranggay na si Ginoong Juanito A. Palapuz.

Kasabay ng inagurasyon, nagpamahagi ng 300 school bags si Mayor Alvarez sa mga batang nasa Preparatory Level hanggang Grade 4.

Isinagawa ang nasabing gift giving sa Maragol Integrated School.