News Back  |  See more photos

Benepisyaryo ng SPES tumanggap ng 40% Allotment Mula sa DOLE




Ipinamahagi ngayong Setyembre 23, 2019 ng Depertment of Labor and Employment o DOLE ang 40% na suweldo sa 96 Special Program for Employment of Students beneficiaries o mga benepisyaryo ng SPES sa pangunguna nina Ms. Rosario R.Campos, Senior Labor & Employment Officer and SPES Focal Person; Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at Ms. Mary Joyce Tambalque. Ilang beneficiaries din ng SPES ang na naitalaga sa ibang barangay ng lungsod. Malugod na ibinahagi ni Ms. Campos na isa ang Science City of Muñoz sa mga sumusuporta sa mga programa ng DOLE at binibigyang halaga o pansin ni Mayor Alvarez ang mga proyektong kapakipakinabang para sa mga mamamayan ng lungsod.