News Back  |  See more photos

Binhilan Performing Arts Guild of Maligaya




Isang pambihirang pagtatanghal na ipinamalas ng Binhilan Performance Arts Guild of Maligaya noong ika 24 ng Hunyo ng kasalukuyang taon. Ang Binhilan Arts Guild of Maligaya ay isang independiente at walang kitang kabataang nagseserbisyong organisasyon. Ang grupo ay isa ring katiwa tiwalang miyembro ng isang organisasyong Coalition of Youth, Empowerment and Advocates (CYDEA). Bilang kapurihan ng barangay Maligaya at ng Lungsod Agham ng Muñoz, sila rin ay kinilala bilang Hall of Famer sa Bible Dance Festival na ginaganap tuwing Setyembre sa Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija at ito ay naipalabas sa Balitang Amianan. Ito ay isang popyular na grupo sa kadahilanang ito ay naiimbitahan sa ibat-ibang lugar upang magpakita ng talento. Sa katunayan sila ay taon-taong naiimbita na magtanghal sa Variety Show ng Science City of Muñoz tuwing ika Enero ng taon.