News Back  |  See more photos

BIR Revenue District No. 23A Office Blessing




Ang pagbabasbas ng opisina ng BIR Revenue District No. 23A North Nueva Ecija sa lungsod na matatagpuan sa New Public Market ay pinangunahan ni Fr. Nestor Romano. Ang butihing ama ng lungsod, Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. kasama ang Local Government Department Heads, Coun. Rodney S. Cabrera, BIR Staff sa pamumuno ng Revenue District Officer na si Gng. Esperanza Castro, kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) Muñoz, Ms. Catherine Santos at iba pang mga bisita ay dumalo sa pagbabasbas na naganap nitong July 30, 2019, Martes sa ganap na ika 10:00 ng umaga. Ang pagbubukas ng bagong opisina ng BIR ay magbibigay daan sa mga mamamayan ng Lungsod Agham at mga karatig bayan upang mapabilis ang serbisyo publiko.