News Back  |  See more photos

Blessing of Muñoz Central School Building for Pilot Students




Hulyo 24, 2019, Miyerkules, si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ay nanguna sa inauguration and blessing ceremony para sa bagong tayong gusali sa Muñoz Central School. Ito ay inilaan para sa mga pilot o Special Science Elementary School (SSES) na estudyante mula grade one hanggang grade six. Si Rev. Fr. Nestor Romano ang siyang nanguna at nagbasbas sa nasabing gusali pagkatapos ng ribbon cutting na pinangunahan nina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., Schools Division Superintendent Ms. Catalina P. Paez, Ph.D., CESO VI at ang School Principal IV Ms. Emily I. Fernandez,Ph. D. Si PSupt Gerald T. Licyayo ay pumunta at sumuporta rin sa nasabing inauguration and blessing ritual.