News Back  |  See more photos

BOSS, Binasbasan Na




Binasbasan na ang bagong opisina sa lungsod na BOSS o Business One Stop Shop noong nakaraang Agosto 7, 2019.

Pinangunahan ni Fr. Nestor Romano, Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D, Vice Mayor Ramon Angelo R. Coronel kasama ang mga konsehal na sina Kgg. Joe A. Ruiz, Kgg. Romeo A. Ruiz, Kgg. Rodney S. Cabrera, Kgg. Henry G. Agaloos, Kgg. Bienvenido H. Paulino at Gng. Clarinette Delos Reyes, Licensing Officer IV ang nasabing pagbabasbas. Kasama rin rito ang ibat-ibang LGU Department Heads at mga empleyado ng City Hall.

May humigit kumulang tatlumpung upuan ang itinalaga para sa mga magiging kliyente ng opisina na may serbisyong pag-iisyu ng business permit, mga prangkisa, ASCOM Toda Body Number at iba pa.