News Back  |  See more photos

Children's and Physical Fitness Day 2019




Bumida and mga Day Care Students ng tatlumpu't-pitong barangay sa lungsod sa isinagawang Children's and Physical Fitness Day ngayong December 13, 2019.

Nagpakitang gilas sila sa pamamagitan ng pagsayaw sa saliw ng iba't-ibang Christmas Songs kasama ang kanilang mga improvised props. Nagkaroon rin ng Storytelling at nagtanghal muli ang mga batang nanalo sa mga Regional Competitions.

Ani ni Gng. Estrada - CSWD Officer, mga ganitong programa ang nais ni Mayor Alvarez para sa kabataan upang makalahok, mapangalagaan ang kapakanan, mabigyan ng kasiyahan at lalong mapagtibay ang emotional at social development ng bawat bata sa lungsod.

Bumisita rin sa isinagawang Children's Day si Bokal Joseph Ortiz kasama sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, Councilor Rodney S. Cabrera at Former Councilor Vivencio Cajucom.

Nandoon din sina Jollibee, Hetti at Popo ng Jollibee Muñoz na siyang nakapagbigay ng lubos na kasiyahan sa mga batang naroroon.