News Back  |  See more photos

Dalawang mag-aaral ng CLSU Elem Lab School, nag-uwi ng medalya




Nagtamo ng medalya sina Xyzcheranathaneralei Q. Aliño at Arcel Yuri P. Francisco na kapwa mag-aaral ng DepEd CLSU Elementary Laboratory School sa katatapos na 1st Philippine National Vedics Mathematics Olympiad.

Inuwi ni Xyzcheranathaneralei Aliño ang gintong medalya para sa Individual Category at ginawaran bilang Silver Medalist para sa Over-all Category. Wagi naman bilang Bronze Medalist sa Individual Category si Arcel Yuri Francisco.

Ang kanilang guro na si Xerces N. Aliño ang nagsilbing coach ng dalawa.

Ginanap ang nasabing paligsahan sa Malayan National High School of Science - Pandacan, Manila noong August 15, 2019.