News Back  |  See more photos

DepEd Night 2020




May temang "Cowboy" o Rodeo ang isinagawang DepEd Night kagabi, January 8, 2020 kung saan nagsama-sama at nagkasiyahan ang mga guro at kawani ng DepEd Schools sa lungsod.

Binigyang parangal ang mga DepEd Science City of Muñoz retirees na sina Ms. Josephine Dela Cruz ng Bantug Elementary School at Ms. Eden Verona ng Licaong Elementary School.

Nagkaroon rin ng "Bakuran Ko Gulayan Ko" Awarding kung saan Ranked 13.5 ang Bagong Sikat Elementary School at Mapangpang Elementary School, Ranked 12 ang San Antonio Integrated School, Ranked 11 ang MNHS Junior High School, Ranked 10 ang MNHS Main Senior High School, Ranked 9 ang Calisitan Elementary School, Ranked 8 ang Bical Elementary School, Ranked 7 ang Maligaya Elementary School, Ranked 6 ang Magtanggol Integrated School, Ranked 5 ang Calabalabaan Elementary School at Ranked 4 ang San Felipe Elementary School. Lahat sila ay nakatanggap ng ₱10,000 consolation prize each. Ranked 3 naman ang Bantug Elementary School na nakatanggap ng ₱20,000, Ranked 2 ang Muñoz Central School na nakatanggap ng ₱30,000 at Ranked 1 ang Maragol Integrated School na nakatanggap ng ₱50,000.

Para sa private school naman, Ranked 8 ang Brilliant Kids Montessori School, Ranked 7 ang Hellen Keller Montessori School, Ranked 6 ang Guiding Star Learning Center, Ranked 5 ang ACLEAD College Incorporated at Ranked 4 ang Science City Montessori School. Sila ay nakatanggap ng ₱5,000 na consolation prize each. Ranked 3 ang JDS Montessori School na tumanggap ng ₱10,000, Ranked 2 ang Emmanuel Integrated Christian School na tumanggap ng ₱15,000 at nanguna bilang Ranked 1 ang San Sebastian School kung saan nakatanggap sila ng ₱25,000.

Ginawaran naman bilang "Outstanding Educators" sina Ms. Maricel E. Devad (Master Teacher III of Maragol Integrated School, Ms. Winnie W. Poli - Education Program Supervisor na kinilala bilang 2019 Division Outstanding Researcher - EPS Category, Mr. Jefferson M. Cordon ng Muñoz Central School bilang 2019 Best Regional Madrasah Education Program Teacher, Ms. Abigail B. Aquino bilang 2019 Division Most Outstanding ALS Mobile Teacher, Ms. Rena May S. Esperanza kasama sina Mr. Edgene L. Castillo at Ms. Zenaida O. Abaya ng Palusapis Integrated School bilang 2019 Division & Regional Outstanding Researchers, Mr. Al John U. Febrero ng Muñoz Central School bilang 2019 Division Most Innovative Teacher, Mr. Jhon D. Gallera, Ph.D (Master Teacher II of Mangandingay Elementary School) bilang 2019 Division Most Outstanding Teacher at si Ms. Marichelle M. Merculio, Ph.D (Principal II of DepEd CLSU Laboratory Elementary School) bilang 2019 Division Most Oustanding Principal.

Nagkaroon rin ng mga raffle prizes katulad ng mountain bikes, washing machine, refrigerator, freezer at 43 inch LED TV.

Naroon sa programa sina Cong. Micaela "Mikki" S. Violago kasama sina Bokal Joseph Ortiz, Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, Vice Mayor Ramon Angelo R. Coronel, Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Henry Agaloos at PLtCol. Gerald Licyayo.