News Back  |  See more photos

Diwata ng Kalikasan 2020




Nagtagisan ng galing ang mga kandidata mula sa iba't-ibang barangay sa lungsod para makuha ang korona bilang Diwata ng Kalikasan 2020.

Naroon upang makiisa at makisaya sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, Bokal Joseph Ortiz, Coun. Herminio Salcedo, Coun. Henry Agaloos, Coun. Jerry Fulgencio, Coun. Rodney Cabrera, PLtCol. Gerald Licyayo, Dr. Abigail Baret ng RHU, at mga bisita na sina Ms. Myrna Lagman at Mr. Rick Garcia.

Nagbigay naman ng pampasiglang bilang sina Mr. Jeremy Manite, Bungkos Palay, SUC, Unity Dancers, LGBT Dancers, X-Pointer, Student Urban Crew, at Mini Stop.

Para sa mga minor awards, inuwi ni Sahaja Fuentes ng Brgy. Maligaya ang Organizers Choice Award. Inuwi naman ni Pamela Lopez ng Pob. North ang Bondoc Lying-in Clinic Choice Award, si Anita Castelo ng Pob. South bilang Diwata ng Nacamoda. Ma. Samantha Fabro ng Balante at Trisha Salazar ng Magtanggol bilang Diwata ng Timeless Beauty. Shane Mitch Mapalo ng Cabisuculan bilang Diwata ng Haircut Ambassadress. Nicole Lazaro ng Pob. South bilang Diwata ng Natasha, Best in Casual Award, Diwata ng Chibugan at Organizers Choice Award. Charles Vineza ng Bagong Sikat bilang Misayasa Choice Award, People's Choice Award, Best in Production at Miss Likhang Sining. Rica Asuncion ng Bical bilang Diwata ng Ever Bilena, Urban Grail Choice Award, Diwata ng Chibugan, Mananguit-Rizal Dental Clinic Choice Award at Diwata ng HIV Ambassadress. Mich Mendoza ng Catalanacan bilang Diwata ng Salon de Muñoz at Best in Gown. Maxcee Manantan ng Pob. South bilang Edgar Soriano Choice Award, Best in Swimwear at Gilbert Lopez Make-up Artist Choice Award. Michelle De Vera ng Balante bilang Diwata ng Ever Bilena, Diwata ng Chibugan at Diwata ng RTV Creation. Brienna Talusan ng Pob. West bilang Diwata ng Natasha at Prime Burger Choice Award. Ashley Garcia ng Pob. West bilang Diwata ng Natasha at Diwata ng Avon. Ma. Hanz Olivar ng Cabisuculan bilang Diwata ng H2O Salon, Best in Costume Award, Miss LA Modesto, Diwata ng Palakaibigan at Special Award na Cosmetics Surgery Award. Jayke Ibarra ng Linglingay bilang Diwata ng Northern Spa at Diwata ng Photogenic.

Sa major awards naman, itinanghal bilang Diwata ng SCM Gay Hair Dressers Incorporated 2020 si Rica Asuncion ng Bical, Diwata ng Turismo 2020 si Jayke Ibarra ng Linglingay, Diwata ng Uhay Festival 2020 si Charles Vineza ng Bagong Sikat, Diwata ng Apoy 2020 si Ashley Garcia ng Pob. West, Diwata ng Tubig 2020 si Ma. Hanz Olivar ng Cabisuculan, Diwata ng Hangin 2020 si Maxcee Manantan ng Pob. South, Diwata ng Lupa 2020 si Brienna Talusan ng Pob. West at ang itinanghal bilang Diwata ng Kalikasan ng Muñoz 2020 si Mich Mendoza ng Catalanacan.

Binigyan naman ng CRT o College for Research and Technology ng 100% Scholarship ang lahat ng kandidata.

Ginawaran rin ng sertipiko o Certificate of Appreciation as Board of Judges sina Ms. Melissa A. Quinto - Punong Hurado, Atty. Cynthia Eleanor E. Bajamunde, Ms. Margie Cabral Wong, Ms. Faith Sabacan, Ms. Angela Ramirez, Ms. Regina M. Fernandez, Mrs. Cynthia Reyes at Mr. Jay-Ar Pajarillo.

Nagbigay naman ng mensahe si June "Bea" Talusan - President, MGHI, Jaime "Gemma" Cruz - Adviser, MGHI at si Mayor Alvarez. Tiniyak naman nito na ang karapatan ng LGBTQ sa lungsod ay nabibigyan ng atensyon.

Ginanap ito kahapon, January 12, 2020 bilang parte ng ating 7th Uhay Festival sa Science City Gymnasium.