News Back  |  See more photos

Ecumenical Service at Anti-drug Abuse Council Result




Bilang pagdiriwang ng Bible Month, nagsagawa ng Ecumenical Service matapos ang Flag Raising Ceremony kung saan nagkaroon ng pag-awit, Bible Reading at Praying.

Pinangunahan ito nina Rev. Fr. Ariel Capuyon, Pastor Felix Santua, Pastor Felix Eugenio (JIL Church), Bishop John Tayoto (ACLEAD), Pastor Charlito Loranza (BPCG), Pastor Joselito Galicia (JCLGF), Pastor Edmund Bonifacio (BCPH), Rev. Julie Javillonar (GILCC), Pastor Alex Costales (PCC), Pastora Elsie Ismael (CCFI), Pastor Ernanie Canoy (COC) at Pastora Belinda Lanuza (VCCC). Si Rev. Dr. Joy Gabasa naman ang naging guro ng palatuntunan.

Nagbigay ng mensahe para sa lahat sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D at Vice Mayor Ramon Angelo R. Coronel.

Inanunsiyo matapos ang Ecumenical Service ang pagtatamo ng Science City of Muñoz ng iskor na 95/100 sa inilabas na resulta ng Department of Interior and Local Government ukol sa 2018 Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) Performance Audit.

Isa ang lungsod sa 437 na pumasok mula sa 1,715 na mga lungsod at munisipalidad na nagtamo ng mataas na iskor sa pagpapakita ng kahusayan sa pagpapatupad ng Anti-Drug Campaign.