News Back  |  See more photos

Employees Night 2020




Nagtila isang kalye o lansangan ang venue dahil sa temang "street wear" ang isinagawang Employees Night noong January 10, 2020 sa Science City Gymnasium.

Naroon ang mga empleyado ng PhilMech, BFAR, Nueva Ecija Fruits and Vegatable Seed Center, CLSU, DOST, PNP, BFP, NEECO, Muñoz Water District, Land Bank CLSU, Land Bank Muñoz, PNB, BDO Muñoz, Producers Bank, Fico Bank, GM Bank, RBA, DENR, LGU Muñoz at PhilRice na siyang naatasang host sa programa.

Nagkaroon ng mga parangal kung saan binigyan ng Special Citation Award si Mr. Florante Ibarra ng CLSU. Pinarangalan naman bilang Distinguished Employee Award o Most Outstanding Employee sina Ms. Clarissa Yvonne Domingo (CLSU), Mr. Victorino T. Taylan (CLSU), Mr. Casiano H. Choresca Jr. (BFAR), Mr. Michael Gragasin (PhilMech), Mr. Claro N. Mingala (PCC), Ms. Wilma T. Del Rosario (PCC), Mr. Reynaldo L. Ordonio (PhilRice), Mr. Jonathan M. Niones (PhilRice), Mr. Edwin C. Martin (PhilRice), Ms. Jesusa C. Beltran (PhilRice) at Mr. Ricardo F. Orge (PhilRice).

Binigyan rin ng award ang may pinakamagandang "street wear" o Best in Street Wear Attire sina Ms. Gian Sanchez ng PhilMech (Female Category) at Mr. Arjay Abon ng Mayor's Office (Male Category) bilang 3rd place, 2nd place sina Ms. Princess Clause ng NEFVSC at Cartelle Cacho ng RHU at 1st place naman sina Ms. Ezra Estrada ng PhilRice at Mr. Rod Estigoy ng PhilMech.

Pinarangalan din si Cong. Micaela "Mikki" S. Violago para sa kaniyang hindi matawarang pagsuporta at bilang panauhing pandangal sa programa.

May mga raffle prizes katulad ng printer na bigay ng CLSU, washing machine mula sa Muñoz Water District at LGU, mountain bikes, refrigerator at 55 inch LED TV na mula rin sa LGU.