News Back  |  See more photos

GSIS - LGU MOA Signing




Nagkaroon ng MOA (Memorandum of Agreement) signing ang GSIS (Government Service Insurance System) at LGU-Science City of Muñoz ngayong September 20, 2019.

Ang MOA na nilagdaan ng parehas na grupo ay para sa mga nagnanais kumuha ng GSIS Financial Assistance Loan o GFAL.

Ang GFAL ay isang programa ng GSIS kung saan maaaring mag loan ng aabot hanggang 500,000 pesos. Ito ay ipinapatupad upang maisaayos ang kakayahang pang-pinansyal at mabigyan ng abot-kayang loan package ang mga miyembro.

Maaari lamang manghiram sa GSIS ang isang tao kung siya ay aktibo, permanente at hindi bababa sa tatlong taong empleyado ng gobyerno.