News Back  |  See more photos

HIMIG NG PASKO: A Christmas Carol Concert 2019




Hinarana ng University of Sto. Tomas Symphony Orchestra kasama ang UST Singers, Coro Tomasino at CLSU Maestro Singers ang mga manonood sa pamamagitan ng pag-awit ng iba't ibang rendisyon ng Christmas songs sa ginanap na "Himig ng Pasko para sa inyo: A Christmas Carol Concert" - an Outreach Project of the CCP President, Hon. Arsenio "Nick" J. Lizaso kahapon, December 9, 2019.

Ilan sa mga kilalang awitin na kanilang inawit ay ang Christmas In Our Hearts, Jingle Bells, Joy to the World, Kampana ng Simbahan, Piliin mo ang Pilipinas, Angels We Have Heard on High, It's the Most Wonderful Time of the Year, O Come All Ye Faithful, Hallelujah! From "Handel's Messiah: A Soulful Celebration" ni Mervyn Warren and Michael Jackson at ang sikat na sikat na Sana Ngayong Pasko ni Jose Mari Chan.

Dinaluhan ito ng iba't ibang opisyales at mga alkalde ng iba't ibang munisipalidad sa lalawigan katulad ni Atty. Jose San Pedro - Nueva Ecija Provincial Tourism Officer, UST Dean Antonio P. Africa, Ph.D - Associate Professor, UST Conservatory of Music, Hon. Eufemia D. Domingo - Mayor, Licab NE, Hon. Imee L. De Guzman - Mayor, Sto. Domingo NE, Hon. Florida Pagulo Esteban - Mayor, Cuyapo NE, Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Jerry S. Fulgencio, Mr. Crismelito R. Catacutan - CLGOO VI, Mr. Dante Parungao - CESO V, DepEd Schools Division Superintendent, Barangay Captains, SCM Teachers at mga iba pang bisita.

Sinundan naman ito ng Grand Fireworks Display na tumagal ng ilang minuto.

Sa Agri-Tourism, bida ang magsasaka!