News Back  |  See more photos

Hybrid Rice Seeds, SGLG 2019 at COOP




Nagkaroon ng Ceremonial Distribution of High Yielding Technology Adoption o pamamahagi ng mga hybrid rice seeds sa Science City of Muñoz ngayong October 21, 2019.

Binigyan ng tig-isang bag ng rice seeds ang 2,200 na magsasaka sa lungsod.

Hangad ng programang ito ang mapaunlad ang rice production at maipalaganap ang paggamit ng hybrid rice seeds sa bansa.

Muli namang nagtamo ng parangal ng Seal of Good Local Governance ang lungsod ngayong taon. Isa ang Science City of Muñoz sa tatlong lungsod na nagpakita ng kahusayan sa pamamalakad sa buong Nueva Ecija.

Kaalinsabay, nabigyan ng Plaque of Appreciation ang City Cooperative Office sa pangunguna nina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ant Engr. Joel P. Manuel, City Cooperative Officer noong 2nd Cooperative Congress sa Palayan Convention Center.

Samantala, itinalaga bilang bagong Schools Division Superintendent ng Lungsod si Dr.Dante G. Parungao, CESO VI.