News Back  |  See more photos

Isda at Bangka, Handog ng BFAR




Nagpakawala ng mga isda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR bilang paggunita sa 56th Fish Conservation Week at Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) Program sa Barangay Matingkis Water Reservoir Irrigation project ngayong September 18, 2019 upang itaguyod ang "malinis at masaganang karagatan tungo sa masaganang ani at mataas na kita sa industriya ng pangisdaan".

May bilang na 200,000 tilapia fingerlings, 1,000 fingerlings na mga dalag, 200 fingerlings na carpa ang pinakawalan sa reservoir at 5,000 fingerlings na tilapia at carpa naman ang mga isdang inilagay sa pen.

Sa kabilang banda, nagbigay din ng dalawang bangka at limang life vest sa pamamagitan ni Mr. Ruben Reyes - Supervising Aquaculturist ang BFAR sa LGU ng Science City of Muñoz upang magamit ng mga local na turista sa lugar.