News Back  |  See more photos

Job Fair 2020




Kahit may pangamba ng ash fall sa buong rehiyon dahil sa Taal Volcano Eruption, tuloy pa rin ang Job Fair na isinagawa ngayong January 13, 2020 bilang paggunita sa ating 7th UHAY Festival na pinagunahan ng Public Employment Services Office (PESO).

Maraming jobseekers ang hindi natinag at nilubos ang pagkakataong ito para makahanap ng trabaho.

Limang overseas agency - UNO Overseas Placement Agency, Pisces International Placement Corporation, Sunway International Manpower Services Inc. (SIMS), Eye Quest International Manpower Services Inc., Ventures Management Systems International Corporation at mahigit dalawampung local companies - A+ Lending Corporation, Jollibee Muñoz Branch, Pandayan Bookshop Inc., Palawan Pawnshop Express, Servicio Filipino Inc., Sanford Marketing Corporation (Savemore Market), SL Agritech Corporation, Toyota Nueva Ecija, Wheeltek Motorsales Corporation,Puyat Steel Corporation, Alalay sa Kaunlaran Inc. (ASKI), Philippine Oppo Mobile Technology Inc., Little Lamb Foundation Learning Center (LLFLC), Trust International Paper Corp. (TIPCO), Tierra de Ferrand Realty & Development Corp., SCRS Veterinary Trading (Feeds), First Integrated Cable TV Corp., Microbase Microbike Corp., Accelerated Christian International School (ACIS), Palayan City Business Hub, at Advance Credit Bank ang naghihintay para sa mga aplikante.

Naroon rin ang mga kinatawan mula sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na sina Ms. Marilou Tayem at Ms. Claudine Labuyo, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Representative na si Ms. Sally B. Samson, Provincial Director of DOLE NE Ms. Maylene Evangelista kasama ang mga Provincial PESO Manager na si Ms. Ma. Luisa R. Pangilinan at PESO Staff na si Ms. Shirley Pajarillo.

Nagpasalamat naman si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D sa mga overseas at local employers na nakipagkaisa sa isinagawang Job Fair.