News Back  |  See more photos

Kababaihan Day 2020




Bida ang mga miyembro ng KAKILALA o Kababaihang Kinikilala sa Lungsod Agham sa Kababaihan Day na ginanap kahapon, January 9, 2020 sa PNP Gymnasium. Ang aktibidad na ito ay bilang bahagi pa rin ng ating 7th Uhay Festival.

Ang KAKILALA ay isang organisasyon ng mga kababaihan sa lungsod na naitatag noong taong 2012. Binubuo ito ng 44 na pangulo sa pangunguna ni Ms. Erlinda Jimenez na siyang pangulo ng organisasyon at mayroong mahigit 1,500 na mga miyembro.

Layunin ng Kababaihan Day Program ang makapagkaisa at magkaroon ng kasiyahan ang mga kababaihan sa lungsod.

Nagkaroon ng mga sayawan, parlor games at mga raffle prizes tulad ng mountain bikes at cash prize. Nagpamigay ng aginaldo si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D sa mga bata at sa mga kababaihang may edad na 60 pataas.

Naroon rin sina Cong. Mikki S. Violago, Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Jerry S. Fulgencio at ABC President Mr. Alexander Natividad.