News Back  |  See more photos

LGU Muñoz at WAG-WAG Club 2019 Nagpamahagi ng School Bags




Nagpamahagi ng school bags ang LGU Science City of Muñoz sa pakikipagtulungan ng WAG-WAG Club 2019 of Science City of Muñoz sa mga estudyante ng barangay San Felipe at Mapangpang. Pitumpung school bags na may lamang school supplies ang natanggap ng mga daycare pupils, kindergarten at pupils ng grades 1 to 6 sa Mapangpang Elementary School. Sa kabilang banda, ang mga mag-aaral ng San Felipe Elementary School ay nakatanggap ng 260 bags with school supplies. Ang programang ito na tinawag na Shool-Adopt-Program ay isa lamang sa mga programa ng Wag-Wag Club ng Science City of Muñoz ngayong ika 70th Founding Anniversary, isang matagal ng organisasyon sa lungsod na ngayon ay pinamumunuan ni Archt. Dominador V. Lugtu. Pinangunahan ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., mga nakaraang pangulo na sina Konsehal Rodney S. Cabrera, dating Konsehal Vincent DV Alvarez at Mr. Reuben Cabrera, Engr. Joel Manuel, Auditor, Mr. Geraldy H. Madarang, Sgt. At Arms at Mr. Emmanuel Bustamante, Executive Secretary ang pamamahagi.