News Back  |  See more photos

LGU Year-End Party 2019




Bilang pagdiriwang ng kapaskuhan at sa nalalapit na pagtatapos ng taong ito, nagkasiyahan ang lahat sa isinagawang LGU Year-End Party ngayong December 19, 2019. Dumalo ang lahat ng kawani sa iba't-ibang departamento kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Ani ni G. Raul D. Divina - City Administrator, pagkakaisa, pagbibigayan at pagmamahalan ang tunay na diwa ng pasko.

Nagkaroon ng mga mga palaro katulad ng bingo na maaaring manalo ng ₱5,000-₱10,000. Mga raffle prizes mula sa regalo ng iba't-ibang departamento, mga cash prizes, sako-sakong bigas mula kay Vice Governor Anthony Umali, Double J Grain at Cong. Mikki Violago, mga washing machine mula kay Bokal Joseph Ortiz, cellphones mula sa STS, Bluetooth headset, electric kettle, mga iba pang appliances at isang 32" inches Flat Screen LED TV na nagmula kay Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. Nagpamigay rin ng "Aguinaldo" si Mayor Alvarez sa mga bata.

Nag-special number rin ang mga kinatawan sa City Health Office, CENRO, City Public Market, General Services Office, City Traffic Management Unit at COMELEC. Nanalo naman bilang "Star of the Night" si Greggy Lou Gapuz ng GSO.

Tunay na isang masaya ang programang ito kung kaya't bumabati ang Science City of Muñoz ng isang MALIGAYANG PASKO at MANIGONG BAGONG TAON sa lahat!