News Back  |  See more photos

Loan para sa Magsasaka Batch II




Nagpamahaging muli ng mga cash card ang Department of Agriculture sa pakikipagtulungan ng Landbank of the Philippines at Agricultural Credit Policy Council (ACPC) sa mga magsasakang sumasaka lamang ng isang ektaryang lupa pababa na labis na naapektuhan ng Rice Tarrification Law.

Ang cash card o ATM na ipinamahagi ay naglalaman ng ?15,000 na magsisilbing loan sa gobyerno at maaaring bayaran ng ating mga magsasaka sa loob ng walong taon.

Nabigyan sa ikalawang batch na ito ang 341 na magsasaka sa 33 barangay sa lungsod.