News Back  |  See more photos

Loan para sa mga Magsasaka




Nagpamahagi ng mga cashcard ang City Agriculture Office kasama ang Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at Land Bank sa mga magsasaka sa lungsod.

Ang cashcard na ito ay naglalaman ng 15,000 pesos na loan sa gobyerno na maaaring bayaran sa loob ng walong taon. Prayoridad sa programang ito ang mga magsasakang apektado ng Rice Tariffication Law na may sinasakang isang ektaryang lupa pababa.

Nabigyan ang 283 magsasaka sa unang batch ng programa.