News Back  |  See more photos

Mga Bagong Rescue Ambulance, Handog ng LGU




Dumating na ang unang batch ng labing-anim na mga bagong rescue ambulance na ipapamahagi sa labing-anim ring mga Baranggay sa lungsod. Ang pamamahagi ay pinangunahan ng ating butihing ama ng lungsod, Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Dahil rito, mas mapapadali na ang pagsagip ng buhay at pagbibigay ng mga paunang lunas o first aid. Patuloy pa rin ang pagkakaloob ng Pamahalaang Lokal ng mga ganitong kagamitan upang agarang matugunan ang iba't ibang emergency situations.