News Back  |  See more photos

Mga Barangay Officials, tumanggap ng Cash Incentives




Tumanggap ng cash incentive na Php3,000 each ang mga Barangay Officials at mga SK Chairpersons ng bawat barangay sa lungsod.

Ang cash incentive na ito ay naisakatuparan sa pagrerekomenda ni Senator Bong Go kay Pangulong Duterte na magkaroon ng cash incentive ang mga Barangay Officials sa buong bansa. Ito ay bunsod na rin ng kanilang walang kapagurang paglilingkod sa kanilang komunidad.

Pinangunahan ang nasabing pamamahagi ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., noong January 23, 2020.