News Back  |  See more photos

MNHS Grand Alumni-Homecoming 2020




Nagkasama-samang muli para sa isang kasiyahan ang mga alumni ng Muñoz National High School mula sa batch ng 1951 hanggang 2010.

Nagkaroon ng mga sayawan at raffle prizes kung saan maaaring manalo ng sako-sakong bigas, bicycles, washing machine at iba pa. Nag-uwi ng tig-isang bicycle o bike sina Ms. Hipolita Desisto - batch 1951, Ms. Sally Sangalang - batch 1989, Mr. Henerlito Calip - batch 1983, Ms. Maria Victoria Simon - batch 1991 at Ms. Myrna Nazareno Geranta na mula sa batch 1974. Si Mr. Fernan Fuller naman ang masuwerteng nakapag-uwi ng nag-iisang washing machine.

Nakipagkaisa rin sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, Councilor Rodney S. Cabrera, Coun. Jerry Fulgencio at Coun. Henry Agaloos.

Sinimulan ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagparada. Ginanap ang Grand Alumni-Homecoming noong January 4, 2020 sa Science City Gymnasium.