News Back  |  See more photos

Motor Show 2020




Broom! Broom!

Yan ang narinig ng mga manonood sa isinagawang Motor Show bilang bahagi ng UHAY Festival noong January 5, 2020 sa PNP Gymnasium. Marami ang nakilahok kung saan ipinakita ang humigit kumulang na apat-na-pu't-dalawang mga unit ng motorsiklo katulad ng Yamaha NMAX 150, Raider 150 & 125, Suzuki Smash, Yamaha Sniper, Yamaha MIO, BMW at iba pa. Agaw-pansin naman ang Honda Monkey na may edad ng 40 yrs. old na siyang tinaguriang pinakamatandang unit ng motorsiklo.

Bilang parte ng programa, nagkaroon ng Slow Race, Burn Out King at Engine Roar. Nagparaffle rin ng mga tshirt, shiners, stickers, pipe at iba pang mga bagay na maaaring gamitin sa motorsiklo.