News Back  |  See more photos

Muñoz National High School, Nagdiwang ng ika-75th Anibersaryo




Ipinagdiwang ng Muñoz National High School ang kanilang ika-75th anibersaryo noong September 3, 2019.

Itinatag ang naturang eskuwelahan noong September 3, 1944 at tinawag ito noon bilang Muñoz Provincial High School. Sa kasalukuyan, tinatawag na ito ngayong Muñoz National High School Main.

Imbitado ang lahat ng Batch '77-'78 at nagkaroon ng "booths" ang iba't-ibang departamento bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Kaalinsabay, nagsagawa ng ground-breaking ceremony ang Batch '69 kasama si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D para sa itatayong comfort room na may tatlong cubicle. Ang unang cubicle ay ilalaan para sa mga lalake, ang pangalawa ay para sa mga babae at ang pangatlong cubicle naman ay gagawin para sa mga miyembro ng LGBTQ+.

Nagbigay naman ng mensahe sina Councilor Rodney Cabrera, mga alumnus, estudyante at mga guro ng eskuwelahan para sa anibersaryo ng Muñoz National High School.