News Back  |  See more photos

Newly-Elected Officials (NEO) Orientation Course




Kabilang si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa mga bagong halal na alkalde ng mga lungsod sa Pilipinas na dumalo sa Newly-Elected Officials (NEO) Orientation Course na ginanap sa Century Park Hotel Manila mula July 10-12, 2019.

Ang NEO Orientation Course ay regular na programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ng Local Government Academy (LGA), na naglalayon na matulungan ang mga bagong halal na lokal na opisyal na malaman at maisakatuparan ang kanilang mga tungkulin at responsilidad tungo sa epektibong pamamahala na magsisimula sa kani-kanilang lokalidad.

Layunin din ng programang ito na paigtingin ang pagkakaisa ng mga lungsod sa ating bansa bilang mga matibay na kaagapay sa pagpapatupad ng mga programa ng ating pamahalaan.

Ang 3-araw na NEO orientation course ay pinangunahan ni DILG Secretary Eduardo M. Ano kasama sina Undersecretary for Local Governance Marivel C. Sacendoncillo, CESO III at Regional Director Dr. Julie J. Daquiaog, CESO IV ng DILG Region 3.