News Back  |  See more photos

Pailaw 2019




Sinindihan na ang mga pailaw o Christmas Lights na ikinabit sa paligid ng City Hall at mga kalsada sa paligid nito kasabay ang Fireworks Display sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., Vice Mayor Ramon Angelo R. Coronel , Councilor Rodney S. Cabrera, Councilor Jerry S. Fulgencio, Councilor Henry G. Agaloos, ABC President Alexander L. Natividad at mga kawani ng LGU ng Lungsod. Dumalo din sa programa sina Hon. Mikki S. Violago, Dr. John De Leon, Dr. Dante Parungao, Ms. Vicky Dela Torre at iba pang mga panauhin. Bida ang mga makukulay na ilaw, mga palay at sining at agham para sa Taunang Pailaw.

Iba't ibang ahensya ng media tulad ng DZRH, GMA7, TV5, DWAY at Philippine Daily Inquirer ang dumalo upang saksihan ang pinakahihintay na pailaw ng Lungsod.

Bilang parte ng programa, nagtanghal ang Child Development Service Pre-Schoolers na nag-1st at 2nd runner up sa isinagawang City Child Congress ng CSWD. Kasama rin sa nagtanghal ang MNHS Drum and Lyre, MNHS Brass Band, MNHS Chorale, Ms. Jomalyn Bautista, Mr. Wilfred Reginald Aguinaldo , Binhilan Performing Arts Guild, Tanghalang Gagalaw sa CLSU, Student Urban Crew, The Unity Squad, XPOINTER Moves Junior, Pinoy Extreme, Philippine Ballet Theatre at Federation of Senior Citizens of Muñoz.

Hangad ng Science City of Muñoz na magkaroon ang bawat isa ng makulay, maliwanag, masaya at masaganang pasko.