News Back  |  See more photos

Palusapis Integrated School, Top Performing School sa 6th EETA




Kinilala bilang Top Performing School sa 6th EETA - Excellence in Educational Transformation Awards ang Palusapis Integrated School for Innovations in Quality Education - Curriculum Design and Development and Learning Methodologies and Delivery Systems for Learning Effectiveness at nakatanggap rin ng ₱300,000 cash-check mula rito.

Tinanggap ito ng mga guro ng Palusapis Integrated School sa pangunguna ng kanilang school principal na si Dr. Katherine Lazaro, Principal II.

Iginawad ito ng Bayan Academy sa pakikipagtulungan ng Department of Education, REX Bookstore, Knowledge Channel Foundation at ABS-CBN Foundation na ginanap noong November 19, 2019 sa Garden Ballroom of EDSA, Shangri-La Hotel, Mandaluyong City, Metro Manila.