News Back  |  See more photos

Philippine Ballet Theatre




Tampok ang ballet dancing ngayong November 15, 2019 sa Science City of Muñoz Gymnasium na itinanghal ng Philippine Ballet Theatre na ang pangunahing layunin ay maipakita ang talento at sining sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Ibinida nila ang kanilang tatlong obra-maestra na itinanghal din nila sa USA 2019 tour na "Vinta", "Sa Entablado" at "Serye at Sayaw".

Sinisimbolo ng "Vinta" na koryograpiya ni Gener Caringal ang mga makukulay na paraw o layag ng mga bangka sa kapuluan ng Mindanao. Ipinapakita naman ng "Sa Entablado" na koryograpiya ni Tony Fabella ang mga pagsasayaw o pagtatanghal sa harapan ng maraming tao habang bida naman sa "Sa Serye at Sayaw" na kinoryograpiya ni Director Ron Jaynario ang mga kilalang OPM Ballads na may kwentong pag-ibig.

Bilang parte ng programa, kumanta rin ang dalawang miyembro ng MNHS Main Chorale na si Jomalyn Baustista at Wilfred Reginald Aquino.