News Back  |  See more photos

Pista ng mga Katutubong Sayaw 2020




Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral ng Science City of Muñoz Elementary at High School sa pamamagitan ng pagsayaw ng mga katutubong sayaw.

"Bakya" ang naging kategorya para sa Elementary Level na nilahukan ng Muñoz Central School, Bagong Sikat Elem. School, DepEd CLSU Lab. Elem. School, Villa Nati Elem. School, Gabaldon Integrated School, Muñoz North Central School at Rang-Ayan Elementary School. "Sagakad" o Kadang-Kadang para sa Secondary Level na nilahukan ng Maragol Integrated School, Palusapis Integrated School, MNHS Main Senior High School, MNHS Annex, San Antonio Integrated School at Magtanggol Integrated School.

Pagalingan ng interpretasyon para sa mga nasabing kategorya ang mga lumahok sa kompetisyon.

Sa huli, nagwagi para sa Elementary Level bilang 2nd runner-up ang Muñoz Central School, naging 1st runner-up ang DepEd CLSU. Tinanghal naman bilang kampyeon ang Muñoz North Central School.

Para sa Secondary Level, wagi bilang 2nd runner-up ang Maragol Integrated School, 1st runner-up ang MNHS Main Senior High School at tinanghal na kampyeon ang MNHS Annex.

Mag-uuwi ng cash prize na ₱10,000 ang mga nanalo bilang 2nd runner-up, ₱12,000 para sa mga nanalo ng 1st runner-up at ₱20,000 ang iuuwi ng mga kampyeon.

Mag-uuwi rin ng consolation prize na ₱5,000 ang bawat grupong lumahok sa kompetisyon na hindi nanalo.

Nagbigay naman ng isang inspirational message si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D kung saan nabanggit niyang sa mga ganitong programa ay napagyayaman ang sining at kultura ng lungsod. Nais rin niyang hubugin o ma-ensayo ang ating mga mag-aaral sa mga ganitong klase ng sayaw.

Pinangunahan nina Dr. Dante G. Parungao, CESO VI - Schools Division Superintendent at Mr. William Roderick R. Fallorin - Assistant Schools District Superintendent ang programa at ang naging punong abala o Chairman of the Committee naman ay si Dr. Larry B. Espiritu. Naging katuwang nila ang mga manggagawa ng DepEd Science City of Muñoz upang maisagawa ng maayos ang patimpalak.

Naroon rin sina Bokal Joseph Ortiz, Coun. Rodney S. Cabrera at Coun. Jerry S. Fulgencio.

Isinagawa ito bilang bahagi ng UHAY Festival ngayong January 7, 2020 sa Science City Gymnasium.