News Back  |  See more photos

Radyo Natin Guimba praised Science City of Muñoz for its cleanliness




Palengke ng Lungsod ng Muñoz pinakamalinis sa 5 bayan na naikutan ng Radyo Natin Guimba! Malinis, maluwag at bukud-bukod ang mga paninda sa palengke ng Science City of Muñoz kung kaya't kaaya-ayang mamalengke dito. Sa limang palengke na inobserbahan ng RNG news team, ang lungsod ng Muñoz ang may pinakamaaliwalas at may maluluwang na ispasyo para sa daanan ng mga mamimili. Naka hilera sa isang seksyon ang mga panindang sari-saring gulay, nakahiwalay ang gulay baguio, at mga prutas. Kapansin-pansin din ang malinis na seksyon ng mga karne at isda. Walang nakakalat na mga pinagkaliskisan o pinagtadtaran ng mga karne. Malinis ang mga kanal nito sa loob at labas ng palengke at ang CR ay mabangong tingnan, walang panghe. Ang basura ay hinakot ng madaling araw at may kanya-kanyang basurahan ang bawat tindera. Higit sa lahat maluwag ang daanan ng mga mamimili, hindi magkakabungguan o magsisiksikan. Alas 5:00 ng umaga nitong October 27, nang pasyalan ng Field Reporter ng Radyo Natin Guimba ang naturang palengke