News Back  |  See more photos

Rural Improvement Club at Fire Brigade




Ginawaran bilang "Outsanding Rural Improvement Club" ang Barangay San Antonio Rural Improvement Club kanina sa Flag Raising Ceremony, September 9, 2019.

Dahil dito, sila ang kakatawan sa buong Region 3 para sa gaganaping National Gawad Saka for Outstanding Improvement Club.

Pinamumunuan ito nina Mrs. Myrna C. Juico - Punong Barangay at Ms. Liza Coronel.

Ginawaran din ng "Certificate of Appreciation" si Ms. Priscilla M. Casillan at ang Municipal Agricultural Office sa kanilang katangi-tangi at taos-pusong pagsuporta sa Gawad Saka 2019.

Sa kabilang banda, nanalo bilang 2nd Runner-Up (Overall Brgy. Category) ang Fire Brigade ng Barangay Calabalabaan na pinamunuan ni Mr. Celso M. Eugenio sa ginawang Provincial Fire Olympic noong August 23, 2019.

Nagwagi din sila bilang Best in Uniform, Best in Flammable Liquid Fire Extinguishment at tinanghal na Champion sa larong Tug of War.

Ginanap ang Provincial Fire Olympic sa San Jose City.