News Back  |  See more photos

Science City of Muñoz Hospital Ground Breaking Ceremony




Maisasakatupuran na ang pangarap natin na magkaroon ng isang ospital ang lungsod.

Ani ni Cong. Mikki Violago, unti-unti nang natutupad ang kaniyang mga pangarap para sa ikalawang distrito ng Nueva Ecija, ang magkaroon ng ospital ang bawat bayan sa lalawigan, isang ospital na malinis at maayos.

Si Cong. Mikki Violago ang nagsilbing panauhing pandangal at ang nagsulong ng proyektong ito sa kongreso upang mabigyan ng hinahangad nating katuparan.

Pangako naman ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D na sisikapin niyang maging operational o magagamit na ang ospital na ito bago matapos ang kaniyang termino.

Ipinapangako rin ng Science City of Muñoz na magiging bukas ito para sa sinumang lalapit rito, anuman ang iyong lahi, estado o pinanggalingan.

Pinangunahan nina Cong. Mikki Violago, Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., Majayjay Mayor Carlo Invinzor Clado, Dr. Edwin Santiago - representative from DOH Region 3, Dr. Abigail Baret - City Health Officer at ABC President Mr. Alexander Natividad ang ground breaking ceremony para sa pag-uumpisa ng pagtatayo ng Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz.

Itatayo ito sa Brgy. Rizal.

Sa kabilang banda, tumanggap ng isang Certificate of Appreciation ang Science City of Muñoz mula sa munisipalidad ng Majayjay, Laguna dahil sa pakikipagtulungan ng lungsod at pagbabahagi ng kaalaman partikular sa agrikultura na makakatulong sa ikabubuti at ikauunlad ng Majayjay, Laguna.

Ang munisipalidad ng Majayjay, Laguna ay kilala para sa kaniyang Agro-eco Tourism Destination.

Saad ni Majayjay Mayor Carlo Invinzor B. Clado na nais niyang maging isang "Little Muñoz" ang Majayjay at nais rin niyang kopyahin ang ating mga agricultural technologies at ang ating good governance o mabuting pamamalakad ng lungsod.

Kasama ring bumisita ni Mayor Clado ang kaniyang mga konsehales, department heads at staffs.

Isinagawa ang mga nabanggit na programa ngayong ika-3 ng Pebrero taong 2020.