News Back  |  See more photos

Science City of Muñoz kinilala bilang Child Friendly Local Governance




Ginawaran ng Seal of Child-Friendly Local Governance ang Science City of Muñoz sa ginanap na Provincial Children's Month noong Nobyembre 25, 2019 na may temang "Karapatang Pambata: Patuloy na Pahalagahan at Gampanan Tungo sa Magandang Kinabukasan."

Iginawad ito ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Council for the Welfare of Children na ginanap sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City, Nueva Ecija.