News Back  |  See more photos

Science City of Muñoz, tumanggap ng mga sertipiko




Nakatanggap ng Certificate of Appreciation ang Science City of Muñoz para sa pagkakaroon ng pinakamataas na porsyento ng mga Accredited Day Care Workers (100%) at ika-apat na may pinakamataas na porsyento ng Accredited Day Care Centers (90%) sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Tumanggap rin ng isa pang Certificate of Appreciation ang lungsod para sa hindi matawaran at taos-pusong pagsuporta sa implementasyon ng mga initiatives, programs at services ng Department of Social Welfare and Development.

Isa namang sertipiko ng pagkilala o Certificate of Recognition ang iginawad sa Science City of Muñoz dahil sa pagiging "model LGU" para sa pagbibigay ng katangi-tanging pagsuporta sa implementasyon ng Disaster Response and Management Program.

Iginawad ito nina DILG Secretary and Member of Council for the Welfare of Children, Mr. Eduardo Año at DSWD Field Office III Regional Director, Ms. Marites M. Maristela, CESO III.

Muñoz Central School, Champion sa RFOT 2019. Itinanghal na Champion sa larangan ng Folk Dance and Muñoz Central School sa ginanap na RFOT 2019 Regional Festival of Talents sa Tarlac City, Tarlac noong November 25, 2019.

May temang "Authentic Filipino Talents and Skills: Breaking the Barriers for Inclusive Education" ang program at may labing apat na naglaban-laban para sa kampyeonato.

Nagsilbing coach ng mga batang mananayaw si Ms. Ellen L. Ventura, Teacher III at sinuportahan naman ng Educational Program Supervisor na si Mr. Nelween M. Gan.