News Back  |  See more photos

SK Night 2020




"Empowering the Youth for Nation Transformation", yan ang naging tema sa isang gabing kasiyahan o SK Night na ginanap kagabi, January 11, 2020 na dinaluhan ng mahigit 1500 na kabataan sa lungsod.

Nagbigay aliw para sa pampasiglang bilang sa programa ang JS Crew, TUS-Unity Dancers, SUC. SPM Movers, Pinoy Extreme, XPM Junior at si Mr. JD Antolin.

Nagbigay naman ng mensahe sina Hon. Aymand Kaylle Miranda - SK Federation President, Hon. Christian Dave Talampas - SK Federation Vice President, Mr. Crismelito Catacutan, CLGOO na patuloy na naniniwalang ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Isang inspirational message naman ang ibinigay ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Nagkaroon rin ng mga raffle prizes tulad ng mountain bikes at cellphones mula kay Mayor Alvarez, dalawang mobile cellphones at isang wifi mula sa TM at Globe.

Dumalo sa programa sina Coun. Jerry Fulgencio, Coun. Herminio Salcedo, Coun. Rodney Cabrera, Coun. Henry Agaloos, PLtCol. Gerald Licyayo at ABC President Alexander Natividad.