News Back  |  See more photos

Tubig Project 2019




Mayroon ng 23 water systems o mga linya ng tubig sa dalawampu't-dalawang barangay sa lungsod bilang bahagi ng isinagawang Tubig Project.

Ang mga nasabing barangay ay Brgy. Calabalabaan, Calisitan, Curva, Franza, Sitio Bagbaguin, Labney, Linglingay, Magtanggol, Mangandingay, Mapangpang, Maragol, Naglabrahan, Palusapis, Pandalla, Rang-Ayan, Rizal, San Andres, San Antonio, San Felipe, Sapang Cauayan, Villa Isla, Villa Nati at Villa Santos. Sa buong lungsod, 70% na ang may water systems at 30% na lamang ang itinatayo pa.

Isinagawa ang Tubig Project na ito upang makapaghatid ng ligtas at malinis na tubig sa bawat sambahayan. Nabigyan naman ng Certificate of Recognition o Sertipiko ng Pagkilala ang Brgy. Calisitan, Franza, Magtanggol, Maragol, Palusapis, Rang-Ayan, Rizal, San Antonio, San Felipe at Villa Santos para sa pagkakaroon ng "highest rate" sa mabuting pamamahala at pagsisikap na magkaroon ng mga water system ang bawat sambahayan sa kanilang mga barangay.

Kabilang sa proyekto sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D , Chairman of Tubig Project - Mr. Alexander Suniega Jr., President of Tubig Project Federation - Mr. Hilario Bingaño, Tubig Project Vice President -Bonifacio El-Quiero at Zoning Officer III - German A. Rigos Jr.

Kaanlisabay, isinagawa rin ang Christmas Party kahapon, December 3, 2019 sa Brgy. Rizal, kung saan nagkaroon Exchange Gifts, Raffle Gifts at pagrereport sa kalagayan ukol sa mga nakaraang Tubig Project sa mga barangay sa lungsod.