News Back  |  See more photos

UHAY Gospel Night Concert 2020




Sinlamig ng simoy ng hangin ang mga tinig na narinig sa isinagawang Uhay Gospel Night Concert noong January 6, 2020 kung saan inawit, tinugtog at isinayaw ang iba't-ibang Christian Songs.

Ang mga local artists na nagsayaw ay ang Believers of Pentecost Church of God ng Brgy. Magtanggol at ang Sa Kamay ng Diyos ng Brgy. Linglingay. Umawit naman ng pagpupuri sina Ms. Jomalyn Bautista, Mr. John Paul Parcasio, Ptra. Gemma Anana, Ptra. Belinda Lanuza, Ptra. Perla Cardenas, Ptra. Angie Costales, Ms. Jolina Valdez, Mr. Michael R. Arcega at si Mr. Jerwin Sawit ng MCC Band. Tumugtog naman ang God is Love Christian Chruch Band ng Brgy. San Antonio.

Naroon rin ang OPM Artist na si Quest na inawit ang kaniyang sikat na sikat na kantang "Sige Lang".

Nagbigay naman ng mensahe ang mga konsehal ng lungsod na sina Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Jerry Fulgencio at Coun. Henry Agaloos.