News Back  |  See more photos

Wag-Wag Club Project




Limang daang (500) lata ng buto ng sibuyas ang ipinamigay sa mga piling magsasaka ng 37 barangays ng Lunsod Agham ng Muñoz. Ang pamimigay ng mga buto ay inisponsoran ng Wag-Wag Club Members sa pangunguna ni Arch. Dominador Lugtu Jr., President ng Club, isang organisasyon sa lungsod. Ito ay ang kanilang pangalawang proyekto; ang una ay ang pamimigay nila ng fingerlings sa barangay Sitio Bagbagiing ng San Felipe sa Lungsod Agham ng Muñoz. Ang Wag-Wag Club Members kasama ang City Agriculture Office employees, Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. at Konsehal Rodney S. Cabrera ay nagpamigay ng limang daang (500) lata ng buto ng sibuyas kasama ng iba pang buto ng gulay nitong Hulyo 30, 2019 sa Science City of Muñoz Gym.