News Back  |  See more photos

World Day Against Trafficking 2019




Isang seminar tungkol sa Human Trafficking ang isinagawa nitong Hulyo 26, 2019 sa Science City of Muñoz Multi-Purpose Hall. SK Chairman Ay-Mand Kaylle Miranda, SK Officials, Barangay Captains ng 37 barangay ng Science City of Muñoz na pinangunahan ni ABC President Alexander Natividad, apatnapung (40) Day Care Workers na pinangunahan ni Gng. Marivic Lumibao, mga estudyante at guro ng pribadong paaralan, Muñoz National High School Student Council, CLAIM Pastors, ang mga Konsehal ng Lungsod, Vice Mayor Hon. Ramon Angelo R. Coronel at ang Mayor ng Lungsod, Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D na kinatawanan ni Councilor Rodney Cabrera ang dumalo sa nasabing seminar. Ang Human Trafficking ay may batas, ang Anti-Trafficking Persons Act, Republic Act No. 9208 na inamenduhan mula sa Republic Act 10364 na nagsasaad 'an act to institute policies to eliminate trafficking in persons especially women and children, establishing the necessary institutional mechanisms for the protection and support of trafficked persons, providing penalties for its violations, and for other.' Gaya ng tinalakay ni Prosecutor Carolyn D. Amis, Assistant Prosecutor ng Cabanatuan City Prosecutors Office at Head of Regional Task Force on Human Trafficking, ang human trafficking ay may hindi marahas at marahas na paraan. Ang hindi marahas na paraan ay paglilinlang, pang aabuso/pandadaya, panggagamit ng kahinaan at pagbibigay ng bayad o suhol at ang marahas na paraan ay pananakot, pag-puwersa, pagpigil at pag-aagaw o pagtatago.